Monday, March 10, 2008

Epekto ng Pag-aalaga ng mga Hayop sa mga Taong Nakakaranas ng “Stress”

Sa bilis ng takbo ng panahon ngayon ay hindi na maiiwasan ang tinatawag nating ‘stress’. Maraming paraan ng pag-iibsa ng “stress” tulad ng meditasyon, pag-yoyoga at pagsusulat sa mga “journal”. Sinasabi ring nakakatulong ang pakikipag-usap sa mga kaibigan upang mabawasan ang “stress”. Ngunit may ilan na nagsasabi na ang pagkakaroon ng mabalahibong kaibigan ay may maganda ring naidudulot sa tao.


Mula pa noong sinaunang panahon ay magkasama ng namumuhay ang mga tao at ang mga hayop. Noon ay tanging pagkain lamang tingin ng mga tao sa mga hayop ngunit kalaunan ay natuklasan na maari rin nila itong pakinabangan kung ito ay kanilang aalagaan. Mula noon ay marami ng nag-aalaga ng mga hayop dahil sa benipisyong hatid nito. Sa isang karaniwang tahanan, lalo na ng mga Pilipino, hindi maaring mawalan ng hayop na inaalagaan ang pamilyang naninirahan doon. Ito ay sa kadahilanang likas na mapagkalinga ang mga Pilipino. Kahit asong kalye ay itinuturing nilang bahagi ng kanilang pamilya na nagbibigay sigla sa kanila. Ngunit hindi lamang sigla ang naidudulot ng mga hayop sa tao. Mahalaga na lubusang mapagtanto kung ano nga ba ang tunay na epekto ng pag-aalaga ng mga hayop sa konsepto ng mabilis nating pamumuhay sa ngayon. Ito ay sa kadahilanang mayroon na ring ibang tao na hindi lubusang naiintindihan ang kahalagahan ng mga ito. At ang bagay na ito ang nagbubunsod ng lumalang pag-trato sa mga naturang nilalang.


Ang mga karaniwang hayop na inaalagaan ng tao ay ang aso, pusa, isda, ibon, hamster at guinea pig. Nag-aalaga ang tao ng mga nasabing hayop dahil sa iba-t ibang dahilan tulad ng saya na naiduduot ng pagkakaroon ng alaga.


Marami pang benepisyo ang makukuha sa pag-aalaga ng mga hayop ngunit higit na pinagtutuunan natin ng pansin ang epekto nito sa mga taong stressed. Sa pagkakaroon ng presensya ng mga alagang hayop ay nakakaranas ang naturang tao ng mas kokonting stress. Ayon sa isang pagsasaliksik na isinagawa, ang tao ay nakakaranas ng kaunting stress kapag kasama ang anilang mga alaga sa kadahilanang hindi tayo hinuhusgahan ng ating mga alaga. Maraming tao ang nakakapag-relax ng husto kapag kapiling ang alaga. May mga pagsusuri na nagpakita ng pagbaba ng "heart rate" at "blood pressure" ng mga taongmay alagang hayop. Maging ang simpleng panunuod ng mga isdang lumalangoy ay nagdudulot na ng "calming effect".



Iba't-ibang paraan ng pagaalaga ng mga tao sa mga hayop. May mga taong sobrang maasikaso sa kanilang mga alaga na mistulang mga anak na nila ang mga ito. Kadalasan ang iba ay binibihisan pa ng mga ito, inaayusan, dinadala sa beteniraryo, pinapasyal at binibigyan ng sapat na oras at atensyon.


Konklusyon:

Importanteng mapagtanto natin ang kahalagahan ng mga alaga nating hayop. Sila ay hindi lamang nagsisilbing dekorasyon sa ating tahanan. Sila ay higit pa roon. Ang mga alagang hayop o kahit mga hayop na walang may nagmamay ari ay dapat itrato ng mabuti at parang kapwa tao dahil sila ay buhay na nilalang din, may puso, damdamin at kaluluwa. At dahil sa mga benepisyo na dala nila, hindi dapat sila itaboy o katakutan, bagkus dapat silang bigyan ng sapat na atensyon at dapat pagukulan ng oras.


Glitter Graphics
Glitter Graphics at GlitterGeek.com

No comments: